Ako at ang Mundo

Ako at ang Mundo
Sabay tayong manuod at makinig sa sarili mong pagsusumamo.

Friday, October 1, 2010

Prostitute (Part II)

Base sa part 1, marami pala tayong maiisip na posibleng prostitute. Sigurado, ilan dito kakilala nyo.

Teacher - na tumatanggap ng suhol mula sa estudyante kapalit ng grade (Kredibilidad/Delikadesa vs Regalo)
Call Center Agent - na handang magpamura, magpalait, magpainsulto sa hindi niya kilala kapalit ng mataas na sahod (Dignidad vs Pera) (di ko naman nilalahat)
Artista - (lalo na kung komedyante) na handang magpabuga ng kape sa muka, magpakaltok, at mapahiya sa harap ng national television kapalit ng pera (Dignidad vs Pera)

[Hasty] Conclusion:
1. Pagiging materyalistiko (o pagkamaibigin sa makamundong pagnanasa) ang ugat ng prostitution.
2. Hindi mo kailangang tumambay sa Quezon Memorial Circle, Quezon Avenue, at Avenida at magpagamit ng katawan kung kani-kanino para matawag kang prosti.
3. Baka ilan sa mga kakilala natin prosti pala.
4. Hindi lahat ng nandito ay kailangan mong paniwalaan.

Wednesday, September 29, 2010

Prostitute (Part I)

r2d2: Ano/Sino ba ang isang prostitute?
c3p0: E 'di yung katulad nung mga nasa Quezon Memorial Circle, Quezon Ave. at Avenida kapag gabi.
r2d2: Alin, yung mga babae at lalakeng nagpapagamit ng katawan sa iba't ibang tao?
c3p0: Mismo. Laman kapalit ng pera. Parang karne sa palengke. Binebenta nung tindera para may pera siya. Yung mga buyers naman gusto ng karne para ma-satisfy ang pangangailangan nila.
r2d2: Ahh.. Talaga? Yun lang ba yun? Eh, laman lang naman ah. Bakit naging prostitution na yun?
c3p0: Basta ipagpalit mo ang laman mo para sa pera prostitution yun.
r2d2: Ahh. Laman ba talaga ang pinag-uusapan dun o yung dignidad ng isang tao?
c3p0: Dignidad din syempre. Kung handa ka ng ipagpalit ang katawan mo sa pera, kawalan na ng dignidad yun. Para sakin ganun din yun.
r2d2: E 'di, prosti rin yung mamang pulis na humuli sa sinasakyan kong bus kanina, tapos inabutan lang ng driver namin abswelto na?
c3p0: Hindi. Pulis yun e.
r2d2: Pinagpalit niya yung marangal nyang propesyon sa pera eh! Isama mo na rin yung mga politician na nangungurakot lang. Mga nagtapos ng matataas na kurso sa magagandang paaralan dito at sa ibang bansa, tapos magnanakaw lang pala.
c3p0: Tama ka.
r2d2: So, prosti rin sila.
c3p0: Tol, panget tignan eh. Parang masagwa. Prosti si mayor?
r2d2: Truth hurts, dude. Malay mo naging prosti ka na rin pala dati, 'di ba?

Kinahapon

Pana-panahon ang pagkakataon,
maibabalik pa ba sa normal ang kinapon?

Tol

Tol, gising.
Tol, gising.
Tol, gising ka na ba?
Gisingin mo na lang ako 'pag gising ka na, tol.
Gisingin mo na rin ako kapag mamamatay ka na.
Igagawa kita ng kabaong at bibigyan kita ng disente at kristiyanong libing na pinapangarap mo nung bata pa tayo.
Tol, wag ka na malungkot. Dagohoy.

Friday, June 25, 2010

Pagkakasunod-sunod ng mga Aralin (HEKASI 6)

I. Yunit I – Ang Ating Populasyon
A. Ang Populasyon ng Pilipinas
1. Kasaysayan ng Paglaki ng Populasyon ng Pilipinas
2. Laki ng Populasyon
3. Mga Katangian ng Populasyon
4. Kasarian ng Populasyon
5. Kapal ng Populasyon
6. Mga Suliraning Dulot ng Lumalaking Populasyon
B. Iba’t ibang Pangkat ng Pilipino
1. Pangkat ng Cordillera
2. Pangkat ng Sierra Madre
3. Pangkat ng mga Negrito
4. Pangkat sa Palawan
5. Lumad ng Mindanao
6. Pangkat ng mga Muslim
7. Klasipikasyon ni Felipe Landa Jocano
C. Ang Mamamayang Pilipino at mga Karapatan at Tungkulin Nila
1. Mga Uri ng Mamamayan
2. Mga Batayan ng Pagkamamamayan
3. Pagkapasa ng Pambansang Batas Blg. 9225
4. Pagkawala ng Pagkamamamayang Pilipino
5. Mga Karapatan ng Mamamayang Pilipino
6. Mga Uri ng Karapatan
7. Mga Tungkulin ng Bawat Mamamayan

II. Yunit II – Ang Ating Likas na Yaman
A. Ang Daigdig ng Tao
1. Kalawakan
2. Kalupaan
3. Katubigan
4. Kontinente at Karagatan ng Daigdig
5. Ang Kontinente ng Asya
6. Mga Katangiang Pisikal ng Pilipinas
7. Mga Trahedyang Pangkapaligiran
8. Paggamit ng Mapa at Globo
9. Mahahalagang Guhit
B. Ang Kagubatan at Lupain ng Pilipinas
1. Iba’t ibang Uri ng Gubat sa Pilipinas
2. Ang Kagubatan ng Pilipinas
3. Pakinabang ng Tao mula sa Kagubatan
4. Mga Suliraning Pangkagubatan
5. Lupang Agrikultural
6. Mga Epekto sa Kalusugan ng mga Pestisidyo
C. Mga Anyong Tubig ng Pilipinas
1. Lawa
2. Ilog
3. Mga Pakinabang ng Tao mula sa mga Anyong Tubig
4. Polusyon ng Tubig
5. Mga Mapagkukunan ng mga Isda sa Pilipinas
6. Philippine Clean Water Act of 2004

III.Yunit III – Ang Ating Pamahalaan
A. Ang Estado ng Pilipinas
1. Ang Estao at ang mga Elemento Nito
2. Mga Karapatan ng Estado
3. Mga Uri ng Pamahalaan
4. Mga Uri ng Demokratikong Pamahalaan
5. Mga Sangay ng Demokratikong Pamahalaan
6. Ang Konstitusyon ng Pamahalaan
7. Pagbabago ng Konstitusyon
B. Ang Pamahalaan ng Pilipinas
1. Republika Sentralisado
2. Pampanguluhan
3. Pagpapatupad sa mga Batas
4. Pagpaparusa sa mga Lumalabag sa Batas
5. Antas ng Pamahalaan ng Pilipinas
6. Proseso ng Pagsasabatas
7. Mga Tungkulin ng Pamahalaan ng Pilipinas
C. Kasaysayan ng Pamahalaan ng Pilipinas
1. Panahon ng Barangay
2. Pamahalaang Espanyol
3. Pamahalaang Pambansa
4. Pamahalaan ng Katipunan
5. Pamahalaang Rebolusyonaryo
6. Replublika na Biak-na-Bato
7. Diktatoryal na Pamahalaan
8. Unang Republika ng Pilipinas
9. Pamahalaan ng Panahon ng Amerikano
10.Ikawalang Republika ng Pilipinas
11.Ikatlong Republika ng Pilipinas
12.Ikaapat na Republika ng Pilipinas
13.Ikalimang Republika ng Pilipinas
14.Kasaysayan ng Konstitusyon

IV. Yunit IV – Ang Ating Ekonomiya
A. Ang Kabuhayan ng Pilipinas
1. Mga Pangunahing Produktong Agrikultural
2. Mga Pangunahing Produktong Iniluluwas
3. Iba pang Ikinabubuhay ng mga Pilipino
4. Mga Industriya ng Yaring Produkto
5. Ilang Industriya sa Bansa
6. Papel ng Overseas Filipino Workers
B. Mga Samahang Pangkabuhayan
1. Mga Gawain ng Samahang Pangkabuhayan
2. Mahahalagang Sektor sa Kabuhayan ng Bansa
3. Mga Sangkap ng Produksiyon
4. Pagsukat sa Kaunlaran ng Pilipinas
5. Mga Mahahalagang Sangkap para sa Pag-unlad
6. Mga Karapatan ng Konsyumer
C. Kasaysayan ng Ekonomiya ng Bansa
1. Bago Dumating ang mga Mananakop
2. Panahon ng Pananakop
3. Panahon ng Republika

Sanggunian: “Ang Lahing Pilipino, Dakila at Marangal 6”, nina Lazelle Rose Pelingo, Ela Rose Sablaon, at Laura Mendoza, Rex Bookster, Inc.

Monday, December 28, 2009

Wangis

Ang aking dapithapon

Tulad ng paglubog ng araw sa dapithapon,
ang kagandahang taglay mo ay hindi maikakahon.
At tulad ng paghangang inilaan ko sa dapithapon,
pag-ibig ko sa iyo’y walang sawa ngunit mananatiling nandoon sa lahat ng pagkakataon.

Nais kong madama ang liwanag na taglay mo,
may halong init ngunit kahit ganon hindi nakapapaso.
Gusto na talaga kitang angkinin at sabihing “Sa akin ka na lang!”
Pero paano, ni hindi nga kita kayang lapitan?

Magagawa ko kayang lumakad kasama mo?
Nang sa ganoon hindi ka na mawala sa paningin ko.
Magagawa ko kayang agawin ka sa tunay na nagmamayari sa’yo,
at mangakong aalagaan ka hanggang sa katapusan ng buhay ko?

Tulad ng paglubog ng araw sa dapithapon,
kung mabibigo ako sa’yo, mahihirapan nang makabangon.
Kaya ang paghahangad ng labis ay gusto ko nang itapon,
pilit lilimutin at habang buhay na lang sa sarili ibabaon.

Dahil tulad ng sa dapithapon, alam kong ako’y ‘yong iiwan.
Minsan ang mga mata’y pinipikit at ayaw buksan,
ayaw mamulat sa ganap ngunit masaklap na katotohanan.
Kaya tulad kahapon, ikaw na lang ay aking pagmamasdan at patuloy na hahangaan.

Saturday, December 26, 2009

KSP

Ginawa ko pa ito noong ako’y nasa ikatlong taon sa high school. Baduy pero gusto ko kasi ano eh… Ah eh… Wala lang, matagal na kasi, sentimental value na lang.

Kailan ba tayo unang nagkakilala?
Ngayon lang ba o noon pa?
Kahit anong pagiisip ang gawin ko,
hindi ko pa rin talaga mapagtanto.

Saan, saan ba tayo unang nagkakilala?
Sa langit ba o sa lugar ng mga mapandigma?
Hindi ko alam kung saan tayo unang nagkatagpo,
basta alam ko nung araw na ‘yon, masaya ako.

Paano, paano tayo unang nagkakilala?
Sa gawa ba o sa makapangyarihang salita?
Maligaya ako at nangyari ang bagay na ‘to,
pero kailan, saan at paano?